PILIPINO NEWS

5th SONA ni President Duterte may dalang pag-asa sa mga Pinoy – Bong Go

(Pilipino Star Ngayon ) - July 26, 2020 - 12:00am


MANILA, Philippines — Ibinahagi ni Senador Bong Go ang kanyang kumpiyansa na ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa Lunes ay magdadala ng mas magandang kinabukasan para sa mga Filipino sa kabila ng hamon na hinaharap ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Inaasahan ni Go na magbibigay si Pangu­long Duterte ng konkretong plano at panukalang le­gislative measures para palakasin ang pagsisikap ng pamahalaan na malampasan ang nagpapatuloy na krisis at dalhin ang bansa tungo sa socio-economic recovery.

“I am expecting that the President will focus his 5th SONA on measures (1) to strengthen our fight against the ongoing COVID-19 pandemic, (2) to address the needs of the people to overcome the hardships that the crisis has caused in everyone’s lives, and also, (3) to sustain the gains of the Duterte Administration’s promise of a comfortable life for all despite the challenges that we are facing,” ayon Go sa isang kalatas.

“Our goal now is not only to adapt to the ‘new normal’, but to lead our country towards a ‘better normal’ and better quality of life,” dagdag na pahayag ni Go.

Kumpiyansa rin si Go na ang pangunahing mahalaga ay ilagay ang hakbang na magpapataas sa kapasidad ng healthcare system sa lahat ng antas.

Sa kabila ng mga ha­mon na kinahaharap nga­yong taon, inaasahan pa rin ni Go na ipagpapatuloy ng Duterte administration ang pagsusumikap upang matupad ang pangako nitong komportableng buhay para sa lahat ng mga Filipino.

At sa pagpasok ng Duterte administration sa huling bahagi ng termino nito, nananatili aniya ang Pangulo na determinadong mapabuti ang buhay ng mga Filipino.

© Philippine Sentinel 2020

The First Filipino-American Community Newspaper in Texas Since 1987

Opinions expressed herein are those of the bloggers and do not 

necessarily reflect the position of The Philippine Sentinel.

  • White Facebook Icon
  • White Twitter Icon
  • White Instagram Icon

SIGN UP TO GET THE LATEST NEWS